RELYENONG BANGUS RECIPE




MGA SANGKAP:


1 bangus (mga 1 kilo)

1/4 tasang toyo

1/4 tasang katas ng lemon

1/2 tasang tubig

1/2 kutsaritang asin

2 kutsarang corn oil

2 ulo ng bawang, tinadtad

1 katamtaman laking sibuyas, tinadtad

1 can tomato sauce

1/2 tasang patatas, tinadtad

1/2 tasang carrots, tinadtad

1 maliit na lata ng gisantes

1/2 tasang pasas

1/4 kutsaritang asin

pamintang durog

1 itlog, binati

1 kutsarang tinunaw na mantikilya



PARAAN NG PAGLUTO:


1. Sa pagbili pa lamang ng bangus sa palengke, sabihin sa tindera na hiwain o ayusin ang bangus na pang relyeno.

2. Ihiwalay ang laman ng bangus sa balat nito.

3. Mas madali kung ito'y babaliktarin mula ulo hanggang buntot.

4. Ibabad ang balat sa toyo, katas ng lemon at paminta. Isa isang tabi.

5. Samantala, pakuluan ang laman ng bangus sa 1/4 tasang tubig na may 1/2 kutsaritang asin.

6. Palamigin at himayin ang tinik.

7. Igisa ang bawang sa mantika. Idagdag ang sibuyas at tomato sauce.

8. Pakuluan ng 3-5 minuto.

9. Idagdag ang patatas at carrots.

10. Hinaan ang apoy hanggang maluto ang gulay.

11. Idagdag ang gisantes, pasas at ang nalutong laman ng bangus.

12. Timplahan ng asin at paminta. Lutuin ng 5 minuto.

13. Idagdag ang itlog at haluin maigi.

14. Palamigin.

15. Kunin ang balat ng bangus at palamanan ito ng nalutong sangkap.

16. Tahiin ang bangus na gamit ang karayom at sinulid.

17. Pahiran ito ng tinunaw na mantikilya.

18. At ihurno ng 30-40 minuto o hanggang maluto.

Comments